ravencrows

People are conceited

08 May, 2026 11:27 PM

Isang linggo na matapos ko i-try tumingin tingin sa mga dating apps. Narealize ko lalo kung gaano ako ka averse sa mga tao. Pangit mindset ko papasok, iniisip kong papalpak lang din lahat kaya gusto ko laro-laro lang. Pero masyado na akong matanda para 'don.

Habang ginagamit ko, narealize ko na lang din na wala naman akong drive makipagharutan lang. Kung makikipagkaibigan, hindi rin. Ganito naman na ako dati, medyo mahirap nang baguhin. Siguro balik focus muna sa sarili. Nag-aaral ulit akong mag-gitara. Mas structured na dapat dahil kumuha ako ng online course. Ang end goal pa rin ay makasulat ng mga kanta.

Random rantings lang naman ulit ngayon dahil wala nang mapagsabihan.